banner

GSIS, nag-donate sa Biaan Aeta Integrated School

Written by
GSIS, nag-donate sa Biaan Aeta Integrated School
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Nanguna si Mayor AJ Concepcion kasama si Konsehal Dan Banal bilang chairperson ng Committee on Education ng Sangguniang Bayan ng Mariveles sa paglagda sa Memorandum of Agreement at Turn-over Ceremony sa pagitan ng mga opisyal ng Government Service Insurance System (GSIS) Bataan para sa Biaan Aeta Integrated School (BAIS) na napili sa “Adopt-a- School” program na pinagkalooban ng mga modernong kagamitang pampaaralan tulad ng (1) 75 inches Samsung TV, (1) Epson Printer at limang (5) computer sets. Natutuwa umano siya, ayon kay Mayor AJ Concepcion, na paaralan ng mga batang katutubo ang napili ng GSIS na maging benepisaryo ng mga technological devices, na kailangang-kailangan ng mga katutubong mag-aaral para makaagapay sila sa ibang estudyante. Ayon naman sa mga guro, mapadadali at ma-maximize nila ang paggamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
Education

Leave a Reply

Shares