NewsSocial Welfare

Handog sa mga senior citizens ng Mariveles, tuloy

0

Magpapatuloy ang mga regalong handog ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles para mga senior citizens.

Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Jocelyn Castañeda sa mga mamamahayag sa isang news briefing na ginanap sa Seaview Restaurant.

Tiniyak ni Mayor Castañeda na bagamat nagkaroon ng Covid-19 pandemic ay hindi aniya niya nalimutan ang mga nakalinyang programa at proyekto sa lahat ng sektor ng Mariveles.

“Ipagpapatuloy po natin ang birthday cake para sa 9,000 senior citizens plus P1,200 cash gift and groceries sa tuwing magdiriwang sila ng kanilang kaarawan,” pahayag pa ng Alkalde.

Ang mga senior citizens naman na sumapit na sa kanilang ika-90 taong kapanganakan ay makatatanggap aniya ng P20,000 cash gift.
Samantala, makatatanggap naman ng P100,000 mula sa DSWD ang senior citizen na aabot sa kanyang ika-100 taong araw ng kapanganakan.

NGCP gives safety tips

Previous article

Balanga fetes farmers

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News