banner

Hindi pa lubusang “red tide free” ang Bataan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 8 years ago

Sinabi pa ni Inieto na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paghahango at pagbebenta ng sulib shells mula sa mga karagatan ng Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Bagac at Morong dahil ang sulib shells ay nakitaan pa rin ng mataas na level ng toxin na maaaring ikamatay ng sino mang kakain nito.

Idinagdag pa ni Inieto na ang tahong na nahahango sa bayan ng Samal ay  nagtataglay pa ng 78 micro grams of meat,  ang tolerable level o kailangang bilang sa lahat ng uri ng shells upang maging ligtas na kainin ng tao ay  60 micro grams of meat lamang.

Nagsimula ang problemang dulot ng red tide sa Bataan noon pang buwan ng Nobyembre  2013 at hanggang sa kasalukuyan, halos walong buwan nang nagtitiis ang mahigit 10,000 mangingisda na hindi makapaghango at makapagbenta ng mga nasabing lamang dagat.

Ipinahayag pa ng hepe ng Agrikultura na pitong tao na ang naiulat na matapos kumain ng tahong na positibo sa red tide ay nakaramdam ng pagkahilo, pamamanhid ng panga at pagsusuka. Ang mga ito ay pawang mga taga Samal. Sa kabutihang palad, wala pang naiulat na namatay dahil sa pagkain ng tahong na positibo sa red tide toxin simula noong taong 2013.

Article Tags:
·
Article Categories:
Health

Comments are closed.

Shares