Education

Hermosa LGU namahagi ng 24 copier machines sa DepEd

0

Bilang karagdagang suporta mula sa Local School Board ng Munisipalidad ng Hermosa, personal na namahagi ng 24 na copier machines si Mayor Jopet Inton kasama ang DepEd District Supervisor, G. Ronnie Mendoza at mga school principals.

Ang mga copier machines ay magagamit ng mga guro para sa distance learning ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ng Hermosa.

“Patuloy po ang suporta ng Pamahalaang Bayan para sa ating mga guro at sa ating mga mag-aaral. Kahit hindi ganun kayaman ang bayan ng Hermosa ay pangatlo po tayo sa mga bayan dito sa Bataan sa pagbibigay suporta sa ating mga paaralan,” pahayag ni Mayor Inton.

Sa pinakahuling ulat ng COA, umabot sa P35,097,814.91 ang halaga ng Hermosa LGU donations sa mga paaralang pampubliko.

SP concurs registration of agri-fisheries machinery

Previous article

Children of frontliners recipients of SM Bears of Joy

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education