banner

Hermosa SLF, sentro ng recycled products

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

HERMOSA, Bataan – Hindi lamang nagawa ng EcoNest ang isang de-kalidad at environment friendly sanitary landfill sa bayan ng Hermosa, kundi nais din nila, dahil sa mapalad silang nabigyan ng karangalan na pamahalaan ang Hermosa SLF, na tumulong sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng 5% ng kanilang net profit mula sa kanilang kinita para sa livelihood training programs at micro loans sa kanilang mga qualified na volunteer ecoguardians.

Ipinaliwanang ni Eco Nest President and CEO, Atty Coelli C. Fiel, na magpapatupad sila ng mga programa kung saan magbubunga ito ng mga kaakit-akit na produkto mula sa basura.

Ayon pa kay Atty. Fiel, hihingin nila ang tulong ng mga batikang designers sa Pilipinas tulad nina Kenneth Cobonpue, na kinilala sa buong mundo sa kanyang kakaibang disenyo ng mga kasangkapang pambahay; si Tish Sevilla na taga-dienyo ng mga hand crafted na mga sapatos, gayundin ang mga kilalang babaeng pulitiko tulad nina Congresswoman Geraldine Roman, Congresswoman Lucy Torres, Deputy Speaker Gwendolyn Garcia, Mayor Kring-Kring Gonzales ng Tacloban at iba pa na eksklusibong tutulong sa Eco Nest.

Dagdag pa ng magandang CEO, na ang matututunan ng ating mga kababaihan sa iba’t ibang livelihood trainings mula sa mga ekspertong designers sa mga recyclable wastes ay maaari umano silang makagawa ng sapatos, bags, furnitures at iba pang kasangkapan, kung kaya’t hindi malayong maging sentro ang Bataan ng magagandang recycled products, sabi pa ni Atty. Fiel.

Nagpasalamat din si Atty. Fiel kay Governor Abet Garcia sa pagbibigay nito ng hamon para mapagtagumpayan ang nasabing proyekto. Ayon naman kay Gov. Abet ay maglalaan siya ng lugar sa mga kababaihan para mai-showcase ang kanilang mga produkto sa gagawing pasalubong center ng lalawigan.

Subalit ang malaki at ambisyosong proyekto nila umano ay ang gawin ang Hermosa SLF na isang EcoPark, “we can make business out of waste but not at the expense of our environment,” pagdidiin pa ni Atty. Coelli Fiel

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment · News

Comments are closed.

Shares