‘Hindi pinagyaman kung ano ang meron tayo’

“Hindi kasi natin pinagyaman kung anu ang mayroon tayo.” Ito ang pahayag ni Bataan Gob. Abet Garcia sa isang pulong-balitaan sa Freeport Area of Bataan noong Huwebes matapos ang ikalawang State of the Freeport Address (SOFA) ni Engr. Emmanuel Pineda, chairman/administrator ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB).

Sinabi ng gobernador na kung hindi naudlot ang tinatamasang pag-unlad noong panahon ng Bataan Export Processing Zone (BEPZ) may 40 taon na ang nakakaraan, ” tiyak na kabilang na tayo sa First World o pinakamaunlad na bansa sa mundo.”

“Kaya bumagsak ang dating BEPZ hindi natin pinagyaman ang kung ano ang meron tayo,” sabi pa ni Gob. Garcia.
“Ngayon nagkakaroon tayo ng panibagong buhay, very competitive ang ekonomiya ngayon,” dagdag pa ng gobernador.