banner

Hirit ni Mayor Joet sa tricycle operators: i-upgrade na ang kanilang tricycle

Written by
  • Nerlie L.
  • 8 years ago

“Pero dapat mapatunayan muna na malinis ang emission ng LPG at matiyak kung ligtas itong gamitin,”  ani pa ng alkalde.

Ang conversion sa 4-stroke engine o LPG ay isa sa mga requirements ng City Government para sa renewal ng prangkisa ng mga tricycle.

Sinabi ng alkalde na masyadong mataas sa acceptable level ng World Health Organization (WHO) ang naitalang air pollution sa Lungsod at isa sa malaking kontribusyon sa problema sa polusyon ay ang maiitim na usok na ibinubuga ng mga tricycle at iba pang uri ng sasakyan.

Nilinaw ni Garcia na kaya sila nakatutok sa mga tricycle ay dahil direktang responsibilidad ng City Government ang pag-iisyu ng prangkisa rito.

“It’s about time na pagtuunan din natin ng pansin at hanapan ng solusyon ang masamang dulot ng polusyon sa ating kalusugan,”  dagdag pa nito.

Aniya, mayroong mahigit sa 3,000 tricycle ang pumapasada sa Lungsod at tinatayang kalahati o   1,500 tricycle ang dapat pang ipa-convert sa 4-stroke engine kung saan ay nakahanda ang City Government na tulungan ang mga tricycle operators sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng P5,000 bilang subsidy o tulong pinansyal.

Nakikipag-usap na rin ang Alkalde sa Development Bank of the Philippines (DBP) para makapangutang at matulungan ang public transport sector bilang tugon na rin sa Republic Act 8749 o Clean Air Act of 1999.

Bukod dito, mayroon na ring inisyal na pakikipag-usap ang Alkalde sa K-Servico para  makapangutang ng motorsiklo ang tricycle operators na may mababang interest at sa kasalukuyan ay pinaplantsa pa umano ang presyo at loan term ukol dito.  

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares