InfrastructureNews

“Ika-12 and a half” na covered court pinasinayaan ni Mayor Jopet

0
rbt

Pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang pormal na pagbubukas ng covered court sa Barangay Sacrifice Valley, Hermosa, Lunes ng umaga.

Naipagawa ito sa pagtutulungan ng Hermosa LGU sa pamumuno ni Mayor Jopet, Pamahalaang Barangay ng Sacrifice Valley sa pamumuno ni Punong Barangay Alfonso Cortez, Teruel Brothers (Bishops Manuel, Antonio and Virgilio), at ang pondo ay nagmula sa tanggapan ni Senador Migz Zubiri.

Ayon kay Mayor Jopet Inton, ang naturang proyektong covered court ay pang “12 and a half” sa kanyang mga naipagawa sa kanyang mahigit limang taong panunungkulan.
“Madami po ang nagtatanong kung bakit ko nasabing “ika-12 and a half” ang proyektong ito. Yun po kasing makaraang administrasyon, may naipagawang kalahating covered court sa Barangay Sumalo. Yun lang po ang natapos niya sa kanyang anim na taong panunungkulan,” pahayag ni Mayor Jopet sa kanyang talumpati.

Ang kontrobersyal na covered court ng Sumalo ay natapos kamakailan gamit ang municipal fund.
Bukod kay Senador Zubiri ay nagbigay din ng pondo sa mga naipagawang covered courts at multi-purpose buildings sa iba pang barangay ng Hermosa sina Senator Bong Go, Senator JV Ejercito, Senator Joel Villanueva, Senator Vicente Sotto III, Senator Grace Poe, Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, at Bataan Governor Abet Garcia.

Ang karanasan ni Mayor Jopet Inton bilang dating staff ni late Bataan 2nd District Congressman and Governor Tet Garcia at former Congressman at ngayon ay Gobernador Abet Garcia, ang nagpalawak ng kanyang network pati na ang pagiging licensed pilot kung saan kadalasan sa kanyang mga pasahero ay mga kaibigan niyang Senador at iba pang mga maimpluwensyang tao sa national government.

Dagdag pa ng Alkalde, ito aniya ang naging daan niya upang maging madali para sa kanya na makasungkit ng mga pondo mula sa labas ng Hermosa at Bataan para maiuwi niya at magamit na pondo para sa kanyang mga proyekto para sa Bayan ng Hermosa.

Bataan prefers Moderna for its Covid-19 vaccination program

Previous article

Bataan earmarks P1B for vaccines

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply