banner

Ika-74 na Araw ng Kagitingan, ginunita

Written by
  • Jonie L. C.
  • 7 years ago

PILAR, Bataan – Muling sinariwa ng sambayanang Pilipino ang ika-74 na taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa tuktok ng bundok Samat noong Sabado ng umaga sa Barangay Diwa sa bayang ito.

Sa kanyang maikling mensahe, binanggit ni Bataan Governor Albert Raymond Garcia ang isa sa mga di malilimutang pananalita ni Pangulong Manuel L. Quezon nang tumulak ito patungong Australia “Every Filipino who fought on Bataan will be a national hero”.

 

“Araw ng Kagitingan, as we observe it today, is no longer about guns and cannons that need to be fired nor about blood that needs to be shed” dagdag pa Governor Garcia.

 

Binigyang diin ng Gobernador ang layuning ihanda ang ating kabataan sa pagharap sa anu mang pagsubok. Ang mensahe ng pagdiriwang para sa taong ito ay “Isabuhay ang Kagitingan, Kapayapaan ay Pagkaisahan, Kamtin ang Mithiing Kaunlaran.

 

Idinagdag pa ni Gob. Abet na ang Dambana ng Bundok Samat o Mt. Samat Shrine ay isa na sa lilimang lugar sa buong bansa na nahirang bilang Tourism Enterprise Zone TEZ ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Aouthority o TIEZA. “Ito po ay nangangahulugan na bubuhos sa Dambanang ito ang lahat ng benepisyong itinakda ng Republic Act 9593 na lalong kilala bilang Tourism Act of 2009”.

 

Ipinaabot din ng Ama ng Lalawigan sa mga beterano na ang lahat ng ginagawa ng pamahalaan ngayon ay iniaalay nila sa kanila sapagkat sila  ang nagsilbing inspirasyon sa atin at sa ating mga kabataan upang tulad nila, sila ay maging matapang, matatag at makabayan.

Article Categories:
News · Tourism

Comments are closed.

Shares