banner

ILLEGAL FISHING NASABAT

Written by
  • Jonie L. C.
  • 10 years ago

   Narekober din sa insidente ang 19 na banyera na naglalaman ng iba’t ibang uri ng isda na tumitimbang ng 285 kilo na aabot sa halagang  P22,125.00.

   Lahat ng mga gamit tulad ng fine mesh nets, active gear, bangka pati na ang mga suspect ay nasa pangangalaga ng Bagac Municipal Police Station habang ang mga banyera at isda ay na i turn-over na sa Bataan Provincial Prosecutor bilang ebidensya. Kasong paglabag sa Section 89 at 90 ng RA 8550 ang kinakaharap ng mga suspect pati na ang may-ari ng naturang bangka.

   Ang ganitong uri ng insidente ay isa sa mga mahigpit na ipinatutupad sa lalawigan ng Bataan simula nang maupo bilang gobernor si Enrique Tet Garcia Jr. noong 2001, na ngayon ay Congressman na sa Ikalawang Distrito.  Patuloy pa ring ikinakampanya ni Gob. Albert Garcia ang pagdakip sa mga nagsasagawa ng illegal fishing at illegal logging sa Lalawigang ito. 

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares