-
Jonie L. Capalaran / 12 years
- 0
- 1 min read
BAGAC, Bataan – Isang bangkang pangisda na may markang Chang Chang ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bagac Municipal Police Station makaraang ilegal na mangisda sa karagatan ng Bayang ito kamakalawa ng umaga.
Dinakip ng pulisya, sa superbisyon ni P/SInsp. Jansky Andrews Jaafar, OIC ng Bagac Municipal Police Station sina Jimmy Carisma, boat Captain, 35 anyos, binata tubong Calinog Iloilo; Jerome Soriano, Machinist, 24, tubong Biliran, Tacloban at 31 crew na pawang nakatira sa Breakwater Sisiman, Mariveles.
Ayon kay Jaafar, dakong alas 6:00 ng umaga nang makarating sa kanyang kaalaman na mayroong bangkang nangingisda malapit sa pampang kaya’t agad niyang inatasan ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng operation sa karagatan ng Bagac. Dito na nga natuklasan ng mga pulis ang bangkang may tatak na Chang Chang na pag-aari ni Ismael Alcos ng 105 F, Pascual St. San Jose, Navotas City na nanghuhuli ng isda gamit ang fine mesh nets sa maritime water na sakop ng Barangay Quinawan, Bagac.