banner

Isyu ng children in conflict with the law, tinalakay

Written by
  • Zeny S.
  • 2 weeks ago

Naging panauhin si Atty Edgar Latauan sa isang symposiun ng Mariveles Municipal Council for the Protection of Children upang talakayin ang 2019 Supreme Court Revised Rule on Children in Conflict with the Law.

Dito ay masusing ipaliwanag sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan, public safety officers, at mga barangay tanod ng iba’t ibang barangay, ang tamang proseso sa paghuli ng mga batang lumalabag at sumusuway sa mga batas.

Ayon kay Mayor AJ Concepcion isang magandang hakbang ang nasabing symposium para maging handa at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga nagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa ating bayan sa isang seryosong isyu na ang sangkot ay mga bata.

Gayundin mahalaga ding magkaroon ng dagdag na kaalaman para sa mga kaukulang karapatan at proteksyon ng mga pamilyang Marivelenos para sa kanilang mga anak.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares