News

Itatayong istasyon ng pulis sa Abucay, pinuri

0

Sa ginanap na groundbreaking ceremony at lowering of time capsule kahapon, pangatlo ang bayan ng Abucay sa lalawigan ng Bataan na magkakaroon na ng bago at sariling PNP station, una na rito ang bayan ng Bagac, pumangalawa ang bayan ng Orion na kasabay ding nagdaos ng kaparehong seremonya ng nasabing araw.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gob. Abet Garcia na isa itong magandang proyekto para higit pang ma-professionalize ang serbisyo ng ating mga kapulisan dahil sila ang katuwang ng Pamahalaan sa pagbaba ng krimen, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at ngayong may pandemya katulong din natin sila sa COVID response, sa pagbabantay ng border checkpoints, pagmomonitor sa mga pampublikong lugar para siguraduhin na nasusunod ang mga minimum health and safety protocols, kung kaya’t karapat-dapat lamang na bigyan natin sila ng suporta at sana ang bagong gusali na itatayo para sa kanila ay maging inspirasyon upang higit pa nilang mapagbuti ang kanilang serbisyo.

Ayon naman sa guest of honor na si PNP Regional Director, BGen. Valeriano T. De Leon, nagulat siya sa laki at ganda ng proyekto, kumpara sa ibang istasyon ng pulis. Ipinaaabot niya ang kanyang pasasalamat kina Mayor Liberato Santiago at sa Sangguniang Bayan ng Abucay sa kanilang donasyon na lupa para sa PNP. Pinasalamatan din niya si Gob. Abet Garcia sa buong suporta nito sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan dahil naniniwala siya na, peace and security come before development.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Mayor Liberato Santiago, sinabi ni Municipal Administrator Engr. Ernesto Vergara na nagkaroon na rin umano ng katuparan ang plano ni Mayor Santiago at ng SB na maibigay na lupa sa PNP. Nagpasalamat din siya kay Gob. Abet Garcia sa patuloy na suportang ibinibigay nito sa bayan ng Abucay.

New police station rises in Abucay

Previous article

SBMA opens help desk for displaced workers

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News