Kabataan, nag organisa ng community pantry

Sa malayong barangay ng Saysain sa bayan ng Bagac, ilang kabataan ang nag organisa ng isang community pantry.

Ayon sa mga magkakaklase na sina Heloisa Albarda, Genevieve Feliciano, Alyssa Bantugan, Kyla Pillagara, Yani Pillagara at Erika Hesta na pawang taga Barangay Saysain, na-inspire sila sa ginawa sa Maginhawa St. kung kaya’t sila din ay nag organisa at humingi ng tulong sa mga may kayang kapitbahay na magdala ng kani kanilang mga groceries at bigas na ipantutulong sa kanilang mga mahihirap na kabarangay.

Dito ay ipinakita na, ang kabataan ay pwede talagang maging pag asa ng bayan, na sa maliliit na tulong na kanilang nalikom na kapag pinagsama sama ay malaking bagay sa mga pamilyang kumakalam ang sikmura.

Kung kaya’t nanawagan pa sila sa ilang mga ka-barangay lalo na yaong may mga pamilya sa abroad na tumulong sa kanilang community pantry upang maabot pa nila ang mga pamilyang nasa kasuluk-sulukan ng barangay na talagang kapos na kapos ngayong panahon ng pandemya

Leave a comment