banner

Kapuri-puring Bataeño

Written by
  • Perla E.
  • 9 years ago

ORANI, Bataan- Maraming maipagmamalaking Bataeno sa iba’t-ibang larangan at nabibilang na rito ang isang tricycle driver mula sa Barangay Kaparangan ng bayang ito.

Sa isang pangkaraniwang manggagawa, malaki na ang halagang P57,195.00, subalit hindi nasilaw ang tricycle driver na si Joselito “Joel” Garcia na pag-imbutan ito. Sa halip, ibinalik niya ang perang ito ng buong-buo sa tunay na may-ari.

Sa harap ng manager ng Philippine National Bank sa Orani, iniabot ni Garcia ang pera sa tuwang-tuwang empleyado ng Fundline Finance Corporation sa nabanggit na bayan.

Ilang araw ang nakakaraan, nawala ang koleksiyon ng empleyado ng FFC sa tapat ng Philippine National Bank na maaaring nahulog mula sa kanyang motorcycle service unit. Mabuti na lamang at ang nakapulot ay ang 45-taong gulang na si Garcia na hindi naman bago sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Noong Marso 14, 1997 sa Orani Day, pinarangalan si Garcia bilang isa sa mga Outstanding Citizens ng Orani bilang pagkilala sa kanyang kabutihang loob at katapatan sa pagsasauli ng naiwang wallet na naglalaman ng dolyar at yen sa kanyang tricycle.

Tunay na magandang halimbawa siya sa kanyang mga kapwa tricycle drivers na ipinagmamalaki naman ng kanyang asawang si Ann Jocelyn, isang elementary school teacher at mga anak na sina Anjolito at Ann Jelene. 

Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares