banner

Karapatan at kakayahan ng mga bata, tampok sa Children’s Congress

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Sa idinaos na Children’s Congress sa Samal sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office ay muling tampok ang pagpapahalaga sa mga karapatan at kakayahan ng mga bata, na sya ring naging tema ng unang “State of the Children Address” ni Mayor Aida Macalinao, na ginanap sa Multi-purpose hall kahapon.

Sa kanyang mensahe, naging emosyonal si Mayor Macalinao dahil ayon sa kanya, pag usaping bata lumalambot ang kanyang puso kung kaya’t binigyang diin niya ang mga programa para sa mga bata tulad ng kalusugan at edukasyon. Ibinalita niya na kung noong araw ay itinatakbo pa ang mga nanganganak sa Balanga, ngayon umano na napaunlad na nila ang kanilang Rural Health
Center ay nakapagtala na sila ng may 2 libong live birth simula 2016-2018.

Idinagdag din niya na lalo pang bibigyan ng atensyon ang medikal na pangangailangan ng mga bata lalo na ngayong maraming lumilitaw na sakit tulad ng polio, dengue at iba pa.
Sa may 744 na mga day care childrren, ipinangako ni Mayor Macalinao na daragdagan ang pondo dito, gayundin ang edukasyon ng mga bata kung saan susuportahan ang scholarship program para sa mga less privileged but deserving students at iba pang programa para makamit umano nilang muli ang “Best Implementer ng Nutrition Program, Most Child-Friendly Municipality, Seal of Healthy Barangay at Seal of Good Local Governance” awards.

Sa nasabi ring programa ay ipinakita ng mga bata ang kanilang kakayahan sa larangan ng pagsayaw, pagkanta at pagtula, anupa’t ang buong araw ay napuno ng saya at tuwa lalo na sa mga batang Samaleno.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares