banner

Karera ng kalabaw, muling umarangkada

Written by
  • Mhike R. C.
  • 4 months ago

Matapos itong matigil sa loob ng dalawang taon dahil sa pandemya, muling isinagawa ng mga magsasaka ang nakaaaliw at nakatutuwang karera ng mga kalabaw sa Samal.

Personal na sinaksihan ni Samal Mayor Aida De Guia Macalinao at mga opisyal sa lugar ang muling pagbuhay sa masaya at nakatutuwang paligsahan ng pinakamalakas at mabilis na takbo ng mga alagang kalabaw ng mga magsasaka sa Samal.

Ipinagmalaki at naipakita aniya ng mga magsasaka sa karera ng mga kalabaw na hindi lamang sa palakasan kayang makipagkumpitensiya ng kanilang mga alagang kalabaw kundi katuwang sa larangan ng kasipagan sa pagsasaka.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares