banner

Katahimikan at kaayusan sa Lungsod, napananatili

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, BATAAN – Hinangaan at pinasalamatan ni Balanga City Mayor Francis Garcia si P/Supt. Byron Alatog hepe ng Balanga City Police Station sa pagkakakumpiska ng iba’t ibang klaseng baril na hindi lisensiyado sa loob lamang ng maikling panahon sa buong Lungsod.
Nakumpiska ang mga baril sa pamamagitan sa isinagawang Oplan Katok, isa sa mga programa ng Kapulisan hindi lang sa Bataan maging sa buong Pilipinas para masawata ang riding in tandem at iba pang krimen.
Binigyang diin ni City Mayor Garcia ang pasasalamat sa ginagawang paglilingkod ng mga pulis para sa pananatili ng katahimikan sa 25 Barangay sa Lungsod.
Kaugnay nito sinabi ni Police Director Dayag na hindi hihinto ang kapulisan sa pagpapalaganap ng Peace and Order Situation hindi lang sa Lungsod ng Balanga maging sa buong lalawigan ng Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Peace & Order

Comments are closed.

Shares