banner

“Kayang- kaya mo, Abukeno”.

Written by
  • Zeny S.
  • 6 months ago

Pinangunahan ni Cong Joet Garcia ng Ikalawang Distrito ng Bataan ang simpleng selebrasyon sa ika-434 na taong pagkakatatag ng bayan ng Abucay sa temang “Kayang-kaya mo, Abukeno”.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Cong Joet Garcia na isang inspirasyon sa lahat ang mga personalidad na nagbigay ng kanilang oras, talino at buhay upang marating ang kaunlarang tinatamasa ngayon ng bayan ng Abucay.
Ayon pa sa kanya, hindi naging hadlang ang pandemya upang tayo ay magupo bagkus lalo tayong nagkaisa, kinakailangan na lang na tayo ay magpabakuna dahil ito lamang umano ang solusyon upang mabalik na tayo sa normal na buhay.
Ibinalita rin niya na lagda na lamang ng Pangulo ang kailangan para ang isinulong niyang panukalang batas na 3rd congressional district ay mapasama na sa darating na eleksyon. Malaking tulong umano ang malaking alokasyon na matatanggap dito para sa ating lalawigan.

Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni Municipal Administrator Engr. Ernesto Vergara na ipinaaabot umano nina Mayor Liberato “Pambato” Santiago at Mayora Ana, ang kanilang masiglang pagbati sa lahat sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Abucay, na naka-monitor via zoom. Binanggit din ni Engr. Vergara ang malalaking accomplishment ni Mayor Pambato, gaya ng pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng moderno at bagong munisipyo na hindi na kinailangang mangutang pa sa bangko. Gayundin ang paglago ng mga satellite national offices tulad ng BIR, DOST, COA, RED CROSS, na tiyak umanong magdadala ng progreso sa kanilang bayan.
Samantala bumati rin si dating bokal Dexter Dominguez kung saan ipinarating niya ang kanyang papuri sa lahat ng kawani ng munisipyo, mga frontliners, mga health workers, mga volunteers at iba pa na nagsakripisyo at inialay ang buhay para makatulong sa mga kababayan dahil sa COVID-19.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Prov’l Tourism Officer, Ms. Alice Pizarro, BM Kristine dela Fuente, SB members Edwin Bernales, May dela Fuente at mga kawani ng pamahalaang bayan ng Abucay.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares