News

“Keep up the good work”

0

Pinuri ni Gob. Abet Garcia ang alkalde ng Samal sa unang taon na panunungkulan nito. Ayon kay Gov Abet, “alam kong napakatinding pagsubok ang ating pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan, pero Samal is in good hands with your leadership kaya sana keep up the good work, maraming salamat sa pakikipagtulungan ninyo at sa mga serbisyong ginagawa ninyo sa ating mga kababayan sa Samal, with the hope that you will continue to strive to make the people of Samal healthier, safe and better lalo na ngayon sa panahon ng pandemic and happy first anniversary.

” Matatandaang simula pa lang ng kanyang panunungkulan ay nagpakita na ng kakaibang liderato si Mayor Aida Macalinao sa kanyang mga programa at proyekto. Subali’t higit niyang naipakita ang tatag ng kanyang liderato sa panahon ng pandemya sa pamamahagi ng relief goods, at ang mahusay ng pamamalakad ng Municipal Health Office kaugnay ng pakikipaglaban sa COVID-19. Bumati at nagbigay papuri din sina Cong. Geraldine Roman, Vice Gov Cris Garcia sampu ng mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan, Mayor Gila Garcia at Mayor Jocelyn Castaneda.

Pagbabayad ng PENELCO bill, pinagaan

Previous article

Community awareness counts

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News