banner

Konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge, sisimulan sa 2022

Written by
  • Mhike R. C.
  • 11 months ago

BATAAN CAPITOL — Nakatakdang simulan na sa 2022 ang konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge o BCIB.

Ito ang inilahad ng mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways sa pamumuno ni Central Office Project Manager Teresita Bauzon sa kanilang pulong kay Bataan Governor Albert Garcia at Mariveles Mayor Jocelyn Castañeda.

Ayon kay Gov. Garcia, ang nasabing proyekto ay mas magpapasigla sa ekonomiya ng lalawigan.

Aniya, inaasahan na dadagsa ang oportunidad sa trabaho sa pagsisimula ng konstruksyon nito na mangangailangan ng nasa 63,000 skilled at unskilled workers.

Oras na makumpleto ang 32-kilometrong BCIB, ang biyahe mula Bataan patungong Cavite ay magiging 30 minuto na lamang mula sa kasalukuyang lima hanggang anim na oras.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
Infrastructure · News

Leave a Reply

Shares