banner

Kontribusyon ng FAB sa gitna ng pandemya

Written by
  • Greg R.
  • 9 months ago

Umabot sa halagang PhP137.89 milyon ang naibahagi ng Freeport Area of Bataan noong 200 hindi lamang sa bayan ng Mariveles kundi pati na sa buong lalawigan ng Bataan.

Sa isang pahayag ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), sinabi nito na sa kabila ng pandemya na kung saan maraming kumpanya ang hindi nakapagbukas ng kanilang negosyo ay maayos at naging produktibo pa rin ang Freeport Area of Bataan.

“Ito ay dulot ng integridad, husay at dedikasyon ng lahat ng mga namumuhunan sa freeport at mga taong namamahala sa FAB,” pahayag pa ng AFAB.
Dagdag pa ng AFAB: “Kung susumahin, mula noong 2010, higit sa PhP860 milyon na ang naging kontribusyon ng FAB sa pamahalaang nasyonal.”

Sa ngayon, mahigit sa 100 ang bilang ng mga namumuhunan sa FAB. Hindi pa kasama dito ang iba pang nakatakdang maglagay ng negosyo sa expansion site ng FAB sa iba’t-ibang bayan sa Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares