banner

Lahat ng Pilipino makikinabang sa UHC

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Ito ang malinaw na pahayag ni Dr. Maria Francia M. Laxamana, Asst. Secretary of Health, dahil ang Universal Health Care ay isang malawak na reporma na naglalayong maging malusog ang sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng abot-kamay at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Sa ilalim ng UHC law, pagbubu tihin ng Department of Health ang mga public health programs and services at aayusin ang mga pasilidad upang maging konbinyente ang ating mga mamamayan. Natutuwa umano siya sa mga isinasagawang health programs sa lalawigan ng Bataan para sa mga tao kung kaya’t ito ang isa sa bibigyan nila ng pansin.

Sa tanong kay Laxamana kung kailangan pa ba ang Philhealth contribution, ipinaliwanag niya na, ang lahat ng Pilipino ay awtomatikong miyembro ng Philhealth, iyon nga lamang, mahahati sa dalawang kategorya ang mga miyembro ng Philhealth 1) direct contributors o may kakayahang magbayad ng contributions o premium, na kung saan ay makakatanggap sila ng dagdag na benepisyo, samantalang ang 2) indirect contributors, ang gobyerno ang  magbabayad ng premium para sa kanila.

Ipinaliwanag din ni Laxamana, na hindi lahat ng serbisyong pangkalusugan ay magiging libre sa UHC, ngunit layon nito na mapababa ang gastusing medikal ng mga maysakit, halimbawa ang pasyente ay na-admit sa ward o basic na kwarto sa ospital, ito ay walang babayaran.
Sa kasalukuyan ang pondo para sa UHC ay nagmumula sa mga pondo ng DOH, Philhealth (subsidy), mga koleksyon mula sa direct Philhealth contributors, PCSO, at PAGCOR.

Article Tags:
·
Article Categories:
Health · News

Comments are closed.

Shares