Kasama si Vice Mayor Jesse Concepcion ang lahat ng mga department heads, pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion ang pagdaraos ng dalawang (2) araw na Team One Mariveles Leadership Workshop na ginanap sa La Jolla Hotel and Resort, sa bayan ng Bagac.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, layon ng workshop na palakasin ang kakayahan sa pamumuno ng mga hepe ng mga tanggapan sa pamamagitan nang mas malinaw na pang- unawa at aplikasyon ng personal at professional effectiveness bilang disiplina sa pamumuno.
Binigyang-diin din niya ang paglipat mula Department-centric na pananaw tungo sa pagkilala sa yunit pamahalaang lokal bilang isang magka-ugnay na sistema. Tinalakay din sa nasabing workshop ang kahalagahan ng pro-active leadership, malinaw na ownership at accountability gamit ang Responsible Accountable Consulted Informed (RACI) framework.
Sinabi pa ni Mayor AJ na ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles ay nagsusulong ng mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga lingkod-bayan na nagtataguyod ng iisang direksyon tungo sa responsable at makataong Pamahalaan.