banner

Libreng pagsasanay sa pagtatanim at pag proseso ng kabute

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Umabot sa animnapung katao ang nakinabang sa dalawang araw na libreng training sa mushroom (kabute) production at processing na inilunsad ng Department of Agriculture Regional Field Office-3 sa inisyatibo ng Office of the Provincial Agriculture na idinaos nitong ika 25 at 26 ng Hulyo sa Leonardo David’s Farm Upper Tuyo ng lungsod na ito.
Itinuro ni Bb. Gerlie L. Manga, Department of Agriculture-RFO3 project in charge kung papaano maparami ang oyster mushroom gamit ang giniikan, kusot, darak at molasses.
Ayon kay Bb. Manga kailangan ding matutunan ng mga mushroom growers ang paggawa ng binhi na itatanim para hindi na magastusan pa ang mga gustong magnenegosyo tulad nito.
Idinagdag pa niya na sa kasalukuyan ay malaki ang kakulangan sa mga produkto ng kabute sa Central Luzon kaya hinikayat niya ang mga dumalo na magtanim hangga’t mataas pa ang presyo nito sa merkado.
Kaugnay nito marami din ang nagagawang luto sa kabute gaya ng tempura, atchara, puto-pao, siomai, patty, embutido at ice cream.
Pinasalamatan ng mga dumalo sa dalawang araw na libreng training ang Department of Agriculture-RFO3 sa pamamagitan ni Ms. Manga at si Ms. Imelda P. Camacho, Engr. Johanna R. Dizon, OIC-Office of Provincial Agriculturist.
Ang mga dumalo sa naturang pagsasanay ay buhat pa sa Lungsod ng Olongapo, Balanga, bayan ng Orani, Abucay, Pilar, Orion, Limay, at Mariveles.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · Business · News

Comments are closed.

Shares