banner

Magsasaka, nakaugalian nang magtanim ng puno

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan ni Gobernador Albert Garcia ang paglulunsad ng 1 Million Trees for 1 Bataan Challenge nitong Lunes pagkatapos ng flag raising ceremony na isinagawa sa Bataan People’s Center.
Ayon kay G. Ariel Ladia, isang magsasaka, na bago pa naglunsad ng ganitong programa ang pamahalaan ay nagtatanim na siya ng mga puno sa paligid ng kanyang tahanan.
Sa ngayon ay mayroon na siyang naitanim na kulang sa Isang Libong puno ng Mahogany na ang iba ay nasa edad na 7 hanggang 8 taon at patuloy pa umano niyang gagawin dahil isa ito sa kanyang mga adbokasiya.
Sa katunayan maging iyung mag dahon ng mangga na winawalis ng kanyang maybahay ay hindi niya ipinapasunog at ang mga ito ay pinaiimbak lamang niya sa mga puno ng mahogany para gawing pataba, ayon pa kay Mr. Ladia.
“Sino ba ang makikinabang ng iyong itinanim di ba ikaw at ang iyong pamilya kapag ang mga punong ito umidad na hanggang 10-15 taon, milyong piso ang aabuting halaga nito, ani pa ng magsasaka.
Kaugnay nito hinikayat ni G. Ladia ang lahat ng mga magsasaka na magtanim na rin ng mga puno sa kanilang mga bakuran upang mapaunlad ang kanilang buhay,at mapangalagaan ang kalikasan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · Environment · News

Comments are closed.

Shares