banner

“Magugutom ka nga ba sa arts?

Written by
  • Source A.
  • 7 years ago

Ibinahagi ni Alexander Lacson Quizon – Samal, Bataan
Mula elementary, palagi nasasabit sa bulletin board ang mga gawa ko. Kapag nakakakita ako ng mga sculptures sa plaza or rotonda, pinapangarap ko na makagawa rin ako ng ganun.

Napupuri naman madalas ang mga gawa ko, lalo na ng mama ko, pero hanggang sa pagpuri lang. Madalas kasi naririnig ko sa mga tao na “magugutom ka sa arts”, kaya ginawa ko na lang itong libangan.
Electrical engineering ang pinili kong kurso, dahil isa sa mga pangarap ko dati ay ang maging isang ganap na enhinyero. Pero 2nd year lang ang natapos ko dahil na-hook ako sa illegal drugs.

Tatlong beses ako na-rehab bago tuluyang nagbago. Sa rehab ako nagbalik-loob sa arts. Nagpraktis ako nang nagpraktis mag-drawing hanggang sa nagsimulang sumali sa mga art contests. Nanalo ako ng 1st and 2nd sa ilang mga on-the-spot drawing contest. Nakapagpadala rin ako ng mga gamit sa loob at nakatulong sa pagpapaganda ng facility. Sa 3rd rehab ko, nagturo na ako ng Art Therapy.
At the age of 40, nag-aral ako ng art kay Maestro Fernando Sena. After that, kinuha niya akong assistant for 1 1/2 years sa UP Diliman.
Realistic drawings at paintings ang madalas kong gawin dahil sa portraiture din ako nagsimula, pero natutunan ko rin ang impressionism, surrealism, cubism at abstraction. Ang medium na pinakakomportable kong gamitin ay soft pastel. Madalas ito ang ginagamit ko sa on-the-spot sketching hanggang ngayon.

 

Malaki ang naging impluwensya ng mga local artists na sina Maestro Fernando Sena, Nemiranda, Tam Austria, at Michael Blanco kung anong klaseng artist ako ngayon. Ilan sila sa mga itinuturing kong inspirasyon sa larangan ng Sining. Sa mga artworks naman, ang mga naging inspirasyon ko ay ang mga sculptures ni Michael Angelo. Gusto kong magaya ang mga details.

Sa pagiging artist ko at sa dami ng mga pinagdaanan at natutunan ko sa buhay, simple lang ang advocacy ko. Yun ay ang maituro ko dito sa Bataan ang turo sa akin ni Master Fernando Sena. Pangarap kong maiangat ang awareness ng Bataeños sa Sining, para maitaas din ang respeto para sa mga artists na tulad ko.
Kasama sa mga naging pangarap ko bilang artist ay ang makasama sa mga exibitions at manalo sa mga competitions. Napagbigyan naman ng langit ang mga pangarap na iyon. Nakasama ako sa mga group exhibits sa Quezon City at dito sa Bataan. Marami na rin akong mga contests naipanalo tulad ng Body Painting Competition sa Subic at Pawikan Festival sa Morong, Bataan.
Itinuturing ko ring achievement ang mga taong nagtitiwala sa kakayanan ko sa Sining, tulad ng Bataan Tourism Center, City of Balanga, Bishop of Bataan, at ilang private collectors. Nakuha ko ang tiwala nila marahil dahil sa dedikasyon ko sa pagiging isang artist. Madalas kasi ginagawa ko ang lahat ng kaya ko para maisagawa nang maayos ang mga proyekto ko.

Syempre bukod sa art, may iba rin naman akong hilig. Hobby ko ang magbreed ng Betta Fish. Actually, nabebenta ko na rin sila online.
Hindi naging madali ang landas na tinahak ko para maging isang ganap na artist. Maraming pagsubok na mahirap malampasan. Una na ang drug addiction. Ang solusyon na kinapitan ko ay ang Diyos (Higher Power) at ang rehab.
Pangalawa ay ang artist stigma na “gutom sa arts”. Hindi kasi madaling magpasya na punuan ang kakulangan na yun sa sarili ko. Pero at the age of 35, nilakasan ko ang loob na maging isang full-time visual artist. Humingi ako ng guidance kay Lord. Bago ako gumuhit sa canvas, nagdadasal ako na ”Lord, gamitin mo ang mga kamay ko para makapagserbisyo sa mga tao.”

Ang payo ko sa mga baguhan o nagsisimula pa lang na artist, “Humingi kayo ng gabay kay Lord. Seryosohin ninyo ang pagiging artist. Huwag gawing inspirasyon ang pera at kasikatan. Dumadating na lang nang kusa ang mga yan kapag tama ang intensyon mo. Sa mga professional artists naman, sana magkaroon tayo ng personal advocacy para maging mas makabuluhan ang pagiging Alagad ng Sining natin.”
Maraming salamat sa pagkakataong maibahagi ang buhay artist ko. More Power and God Bless Us All. MABUHAY ANG SINING SA BUONG MUNDO!

 

Editor’s Note:

 

To advance his advocacy, Mr. Quizon conducts Free Art Workshop to anybody who is interested, in cooperation with  Guhit Pinas-Bataan, an organization of art enthusiasts.

https://www.facebook.com/groups/guhitpinasbataanofficial/

 

Here is the schedule of the free art workshops: Just bring your own art materials

 

Venue: Tourism Center – Every Saturday 1pm-5pm

Samal – Every Wednesday 1pm-5pm

Morong – Every Saturday 1pm-5pm
Mr. Quizon and Guhit Pinas aim to offer free art workshops in all municipalities of Bataan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Comments are closed.

Shares