News

Mahigit 1,200 katao na ang nahuli at naparusahan sa paglabag sa health protocols sa Mariveles

0

Umabot na sa 1,247 katao ang napatawan ng parusa sa munisipalidad ng Mariveles sa paglabag sa mga Primary Health Protocols na nakasaad sa Executive Order #59 (Series of 2021) na inilatag ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 simula pa noong Marso.

Ayon sa Philippine National Philippines (PNP)-Mariveles, 1,247 na ang nahuling lumabag sa tamang pagsusuot ng face mask at face shield, 703 naman ang hindi sumunod sa ipinapatupad na curfew, at 111 naman ang sumuway sa umiiral na liquor ban sa iba’t-ibang barangay sa Mariveles.

Ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng ticket at napatawan ng multa ay 132 katao samantalang 1,929 naman ang hinatulan ng community service. Mayroon ding 1,423 sasakyan ang hindi pinahintulutang makapasok sa mga checkpoints na nakatalaga sa bayan ng Mariveles.

Ipinangako ni PLTCOL Cesar Lumiwes na patuloy nilang paiigtingin ang mga checkpoints at pagpapatrolya upang makatiyak na maiiwasan ang pagkakahawa-hawa sa mga barangay na dulot ng pagpapabaya ng ilan.

Matatandaang ipinag-utos ni Bataan Gobernador Albert Gacia ang muling paghihigpit sa mga checkpoints mula sa border ng probinsya sa Pampanga pababa sa mga barangay simula nang lumobong muli ang mga kaso ng COVID-19 sa probinsya at nagpasya ang National Inter-Agency Task Force (IATF) na balik ang Bataan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) nitong nakaraang buwan.

Kasabay nito ang layunin ni Gob. Garcia na mapalawig ang vaccination program sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga vaccination sites sa lahat ng munisipalidad at siyudad sa Bataan katulong ang pampubliko at pribadong sektor. Nilalayon ng Pamahalaang Panlalawigang marating ang herd immunity sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay Gob. Garcia, “naniniwala ako na sa pamamagitan lamang ng malawakang pagbabakuna magkakaroon ng permanenteng solusyon ang problema ng pandemya.”

Sa kasalukuyan ay mayroon nang naitayong 19 na vaccination sites sa buong Bataan, at nagsasagawa ng mas mabilis at mas maginhawang pagbabakuna sa lahat ng eligible Bataeño habang patuloy ang supply ng bakuna mula sa Department of Health (DOH).

(PHOTOS COURTESY OF PNP-MARIVELES)

Latest posts by 1Bataan (see all)

PENELCO, sinisikap na maging brown-out free ang Bataan

Previous article

BPSU implements DOST’s eCEST program

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News