banner

Mahigit 8 libong manggagawa sa FAB, nakatanggap ng tulong pinansyal

Written by
  • Jonie L. C.
  • 6 months ago

Ngayong panahon ng pandemya, tinatayang aabot na sa Php25 milyon ang ayudang ipinamahagi sa mga manggagawa ng Freeport Area of Bataan (FAB) sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development DSWD sa ilalim ng FABayanihan, at sa pagtutulungan ng mga tanggapan nina 2nd District Congressman Joet Garcia at Senator Bong Go.

Sa katatapos na pay out nitong June 17-18, 2021 naipamahagi ng DSWD ang Php5 milyon cash assistance sa may 1,672 manggagawa. Kung kaya’t ayon kay Ms. Tallorin, umabot na sa 8,339 ang bilang ng mga manggagawa na nabenipisyuhan ng FABayanihan
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni AFAB Administrator Engr. Emmanuel Pineda, ang napakalaking kontribusyon ng tanggapan ni Congressman Garcia upang gawing posible ang FABayanihan, gayundin ang tanggapan ni Sen. Go at ng DSWD.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares