Tuluy-tuloy nang maisasakatuparan ang primary health care program ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan kasunod ng pagkakaroon ng Limay General Hospital.
Sinabi ni Bataan Gov. Joet Garcia sa groundbreaking ng P400 milyong Limay General Hospital noong nakaraang Huwebes na magkakaroon ng medical laboratory at mga gamot sa itatayong ospital at dahil dito mapaglilingkuran na ang mga pangangailangang pangkalusugan hindi lamang ng mga taga-Limay kundi maging ng mga karatig-bayan sa ikalawang distrito ng lalawigan.
Nagpasalamat naman si Limay Mayor Nelson C. David at anak nitong si Vice Mayor Richie David dahil sa lupang ipinagkaloob ng negosyanteng si Wifredo Tan, pangulo ng Hauslands Group.
Sinabi naman ni Congressman Albert S. Garcia, kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bataan na “ito ay hudyat na ng kaunlaran at maiuugnay sa Lamao Port at Limay Defense Economic Zone na inaasahang makapagbibigay ng libu-libong trabaho sa mga residente.”I