banner

Malakas na lindol, naranasan sa Bataan at mga karatig lalawigan

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Gumalaw umano ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang fault sa pagitan ng Batangas at Mindoro, na nagtala ng magnitude 6.1 na ang epicenter ay nasa Castillejos, Zambales.
Bagama’t wala pang agarang balita ng mga pinsala sa lalawigan ng Bataan, taliwas sa lalawigan ng Pampanga kung saan, isang supermarket ang gumuho at 5 agad ang patay habang nire rescue pa ang mga na-trap, isang simbahan din ang partially gumuho gayundin, ang arko sa boundary ng Bataan at Pampanga sa Lubao.

Sa ngayon maraming establisamento ang pansamantalang nag shutdown ng kanilang mga operasyon gayundin mga kolehiyo na nagkansela ng kanilang mga klase para bigyang daan ang tinatawag nilang rapid damage assessment sa kanilang mga imprastraktura.
Sa matinding lindol na naranasan ng mga mamamayan sa lalawigan ng Bataan kahapon at mga karatig na probinsya sa Central Luzon, ay nagbabala ang PHIVOLCS na mag-ingat at maging handa dahil sa posible umanong
mga aftershocks.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares