banner

Mamamayan ng Alion nagpasalamat kay Gov. Abet

Written by
  • Greg R.
  • 9 months ago

Labis na nagpasalamat ang pamunuan ng Barangay Alion, Mariveles, Bataan sa pamumuno ni Barangay Captain Al Balan kay Bataan Gov. Albert S. Garcia dahil sa farm-to-market road (FMR) na inuumpisahan na sa Sitio Crossing.

Sinabi ni Balan na ang konkretong FMR na may habang 6.2 kilometro ay malaking tulong umano sa mga magsasakang nakatira sa liblib na sitio. Lubhang nahihirapan umano ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang aning pananim para sa ibenta sa palengke kung kaya’t naisip ni Balan na magpagawa ng daan mula sa Sitio patungo sa bayan.

“Sa ngayon ay mapapadali at mapapagaan na ang paghahatid ng kanilang produktong agrikultural sa pamilihan,” paliwanag ni Balan.

Ang Sitio Crossing ay mayroogn humigit-kumulang 600 residente na karamihan ay magsasaka.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares