banner

Mango growers sa Bataan, suportado ng OPA

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Dahil sa maganda ang ani ng mangga nitong nagdaang tag-araw, ipinahayag ni Bataan Vice-Governor Cris Garcia na kinakailangan umanong dagdagan pa ang assistance na ibinibigay ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa mga mango growers sa lalawigan.
Ayon kay G. Oscar Olivia, HVCD Coordinator ng OPA, susuportahan nila ang sinimulan ng 20 Farmers Co-operator na unang batch na pinili ni Dr. Hermogenes M. Paguia, Director, Research and Development Office Project Leader ng BPSU-Abucay Campus para sa pagpaparami ng bunga ng mangga.
Makabagong teknolohiya ang ginamit ng 20 mango growers kaya naman lumaki ang kanilang ani ngayong taon at iyun umano ang kanila nang gagawin.
Sinabi pa ni G. Olivia na kung 20 cavans na potassium nitrate ang inirelease ng Provincial Agriculture nitong nagdaang anihan sa mga co-operators ay kanila itong dodoblehin ngayon para mapanatili ng iba pang batch ang magandang ani.
Samantala masayang ibinalita ni Mr. Olivia na 10 water pumps ang ipamamahagi ng OPA ngayong ikatlong quarter ng taon. Ang limang patubig ay naipamahagi na sa mga magsasaka at ang mga natitira ay makukukuha na rin sa susunod na buwan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares