DINALUPIHAN, Bataan – Inilunsad ng Bataan Peninsula State University (BPSU) Abucay Campus, kasama ang mga opisyal ng CHED Dare To Project at ng University of the Philippines Los Banos ang 1st Farmers’ Field Day & Harvest Festival on Mango sa Barangay Pagalanggang ng bayang ito noong ika-27ng Abril.
Ayon kay dating bokal Gaudencio Ferrer, na Project Consultant ng BPSU, ang ginagawa ng BPSU, UP Los Banos at ng CHED ay unti unting nang nagkakaroon ng magandang resulta sa pamumunga ng mga mangga dahil umano sa itinuro na tamang pamamaraan at kasanayan sa ating mga magsasaka.
Ibinahagi naman ni Dr. Hermogenes Paguia, Director of Research and Development (BPSU) at Project Leader ng Ched Dare To Project na ang tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng mangga at pagpaparami ng bunga ay may kaakibat na pagmamahal na parang tao din.
Samantala ayon naman kay Engr. Emmanuel Amatorio, ng College of Agriculture and Food Science sa UP Los Banos na mas lalong gaganda at kikinis ang mga bunga ng mangga kung gagamitan ng hot water treatment sa loob ng 30 hanggang 60 minuto para matagal masira at mapanatili itong malusog.