banner

Mayor Concepcion, may panawagan sa Kongreso

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ikinatuwa ni Mayor Ace Jello Concepcion ng bayan ng Mariveles kasama ang iba pang opisyal ng lalawigan sa “pagbaba” ng mga national officials sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal- Arroyo para makadaupang palad ang mga locators ng FAB para malaman ang katotohanang nangyayari sa “ground zero”.
Ito ay kaugnay ng pagbisita ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kasama si Rep. Dakila Cua na siyang Committe Chair sa House Ways and Means at Usec Carl Chua ng Dept. of Finance sa isang consultative meeting sa mga investors ng FAB, kasama sina Gov. Abet Garcia, FAB Chairman Emy Pineda, Cong. Joet Garcia at Mayor Ace Jello Concepcion.
Sinabi ni Mayor Concepcion na hindi naman natin nais na maki-share sa interest ng mga investors kundi ang sa atin lamang naman aniya pa, ay maprotektahan ang interest ng ating mga kababayan, na dahil sa mga investors kung kaya’t tayo ay may mga trabaho, na kung sakaling aalis ang mga investors dahil sa mga isinawalat na mga issues na nakapaloob sa TRAIN 2, kahit pa hindi ito pinal, malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya.
Dagdag pa ni Concepcion, kapag nawalan ng trabaho, mawawalan ng sweldo, mawawalan ng purchasing power ang mga tao at mako kompromiso ang kanilang kalusugan. Ang nais lang naman natin ayon pa kay Concepcion ay mabigyan ng maayos na trabaho at pamumuhay ang ating mga kababayan na hindi masyadong umaasa sa pamahalaan.
Kung kaya’t panawagan niya sa Kongreso, ay tingnan ng IPA’s o Investment Promotions Agencies, pag aralang mabuti at bigyan ng importansya sa tax provisions na nais nilang baguhin… na aniya pa, na lagi umano nilang sinasabi ang magandang performance ng FAB, na talagang kakaiba ang kwalidad na ibinibigay ng mga opisyal dito, hindi naman daw kaya pwedeng ma-exempt tayo sa TRAIN 2, pagdidiin pa ng butihing mayor.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Comments are closed.

Shares