Mayor Macalinao, inilahad mga nagawa sa 100 araw

Makalipas ang 100-araw, matapos ang kanyang panunumpa sa tungkulin ay ibinahagi ni Mayor Aida Macalinao ng bayan ng Samal ang kanyang mga nagawa, mga natutunan at mga pagawain sa mga susunod pang panahon.

Una sa magandang panimula ni Mayor Aida sa kanyang termino ay ang pagiging bukas ng puso sa lahat ng pagbabago lalo na sa maayos na samahan sa kanyang pangalawang punong bayan at miyembro ng sanggunian, mga kawani ng Pamahalaang bayan at sa kanyang mga kababayan na siyang nagluklok sa kanila sa tungkulin.

Nilinaw din Mayor Macalinao na sa kanyang termino ay nais niya ang isang malinis, hindi korap at hindi mapanlamang sa kapwa na Pamahalaang Bayan.
Sa kasalukuyang Administrasyon, hinikayat ni Mayor Macalinao na lahat ay magsama-sama sa programang “Ambisyon Natin” para sa isang matatag, maginhawa at maayos na buhay ng mga Samaleno sa ilalim ng mga proyekto na napapaloob sa “Aida Cares Best”.

Nais ng programang “Aida Cares Best” ang epektibong aksyon na ang bawat Samaleno ay Kasali, Kaisa at Katuwang, walang maiiwan sa mga lalyunin nito, Una(1) Cruzade for Good Governance, kung saan dito ay napapaloob ang mga proyekto tulad ng pagkakabit ng mga cctv sa lahat ng tanggapan, mga pampublikong gusali upang manonitor ang lahat, karagdagang pondo mula kay Cong’woman Geraldin Roman na P30 milyong piso sa kanilang modernong gusali upang higit pang mapaglingkuran ng maayos ang mga mamamayan, (2) Alleviation of Poverty, layunin ng pamahalaan na maging maayos ang pamumuhay, tumaas ang antas ng trabaho gayundin matutukan ang kalusugan, transportasyon at kalakalan, higit ang proyektong pabahay, kung saan sa tulong ng United HoResilient Com’ty thru Environment Betterment o pangangalaga sa kalikasan at pamayanan, ginagawa sa ngayon ayon kay Mayor Aida ang kanilang Samal Central Command Center para sa public safety, mga rescue operations at Municipal disaster risks reduction management, (4) Equality for all- Edukasyon at tamang pagkakapantay pantay na ang pwede sa isa ay pwede sa lahat, magtatayo ng rainbow shelter for women and children, lalagyang ang lahat ng paaralan ng mga TV for digital learning, pagkakaloob ng cash incentives sa mga grades 11 at 12 na mga estudyante atbp, at (5) Sustainable Development-isang Pamahalaan na ang lahat ng programa, mga proyekto at serbisyo ay direkta sa tao, kung ano ang para sa bayanay para sa bawat mamamayan.