banner

Mayor Macalinao tinapatan ang fertilizer na bigay ng DA

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Upang higit pa niyang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang bayan ay minabuti ni Mayor Aida Macalinao ng Samal na tapatan ang halaga ng fertilizer na ibinigay ng Dept. Agriculture sa mga magsasaka sa kanilang bayan.

Kamakailan ay nagdistribute ang DA sa mga magsasaks ng fertilizer na nagkakahalaga ng dalawang libong piso bawat isa, kung kaya’t ang ginawa niya ay nagpabigay din siya ng kasing halaga ng fertilizer sa kanilang bayan.

Sinabi pa ni Mayor Aida na nakipag usap na siya sa mga ferilizer traders na bigyan muna ang mga magsasaka ng kailangan nilang mga fertilizers para agad ay magamit sa kanilang pagtatanim, at siya na umano ang bahala sa pagbabayad nito.

Ayon pa sa masipag na punong bayan, buong bayan ng Samal umano ang umaasa sa ani ng kanilang sakahan kung kaya’t isa ito sa kanyang prayoridad na matulungan hindi lang sa pagbibigay ng pataba kundi maging sa modernong paraan ng pagsasaka para umunlad ang kanilang mga buhay.

Hinihikayat niya rin umano, ang bawat pamilya sa bawat barangay na magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay hindi lamang para sa kanilang hapag at malusog na pangangatawan kundi ipang maging alternative livelihood din.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares