banner

Mayor Sara, pinuri ang Bataan sa pawikan preservation

Written by
  • PIA-Bataan .
  • 5 years ago

Ibinahagi ni Mar Jay S. Delas Alas, PIA-Bataan

MORONG, Bataan – Pinuri ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang Bataan sa pangangalaga sa mga pawikan.
Sa kanyang mensahe sa idinaos na Pawikan Festival, ikinatutuwa ng alkalde na ang lalawigan sa pangunguna ni Gobernador Albert Garcia ay patuloy ang pagbibigay halaga sa mga proyektong pangkalikasan.
Aniya, dapat alagaan ang pangingitlog ng pawikan at siguraduhin na sa bawat taon ay maraming napapakawalan na “hatchlings” pabalik sa dagat para magpatuloy at hindi sila maubos.
May 80 “newly hatched” na pawikan ang pinakawalan sa dagat na pinangunahan nina Duterte at Garcia kasama pa ang ibang opisyales ng Bataan.
Ilan sa mga aktibidad ng pagdiriwang ay walk for a cause, trade fair, visual exhibit creative forum, at environment fair.
Sinalihan naman ng mga estudyante at turista ang ibat-ibang paligsahan tulad ng sand sculpture contest, quiz bee, paddle painting contest, provincial and regional festival dance competition, at photography contest.
Ang Pawikan Festival ay naglalayong itaguyod ang pagpaparami ng mga pawikan na nanganganib nang maubos at palawigin ang kaalaman ng publiko sa pangangalaga ng kalikasan.
Ang taunang pagdiriwang ay isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan, pamahalaang bayan ng Morong, Bataan Tourism Council Foundation Inc., at ng Bantay Pawikan, Inc.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares