banner

Mga baybayin ng Bataan positibo pa rin sa Red Tide

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Sa pinakahuling bulletin ng BFAR (BFAR Bulletin No. 2 dated February 7), positibo pa rin ang mga baybayin ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal sa Red Tide.

Batay dito, pinagbabawalan ang mga mangingisda sa mga nasabing coastal areas na kumuha at manghuli ng mga shellfish gayundin ang pagkonsumo ng mga ito. Samantala, ang mga isda, alimango/alimasag, hipon ay ligtas kainin ngunit siguruhin lang na ito ay sariwa at nalinis mabuti bago lutuin, gayundin na ang mga hasang at lamang-loob ng mga ito ay tinanggal at hindi isinama sa pagluluto.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares