News

Mga ibong dayo, unti-unti nang nagdadatingan sa Balanga

0

 

    Unang dumating ang mga ibong puti na kabilang sa species ng large, medium at small egret. Tila naglalarong naghahabulan, nag-uunahan sa pagtuka sa maliliit na isda sa pinatutuyong

palaisdaan na hindi alintana ang mga mangingisdang nanghuhuli ng alimango. Ang iba’y nanghahaba ang leeg na waring ipinakikita ang gilas sa pagtindig.

 

   Malapit lamang ang palaisdaan sa Wetland Park sa barangay Tortugas kung saan matatagpuan

ang ilang cottage na may bubong na pawid na kainan at pahingahan ng mga bisita. Meron din

ditong viewing deck at tourist information center na nakaharap sa malawak na Manila Bay.

 

   Karaniwang dumadagsa ang maraming uri ng ibong dayo sa Bataan lalo na sa Balanga City sa huling linggo ng Setyembre at tumatagal hanggang huling linggo ng Marso. Ilan taon nang idineklara ng Department of Tourism ang Balanga sa pamumuno ni Mayor Jose Enrique Garcia III bilang isa sa mga bird watching sites sa bansa.

Miss Global Philippines 2014 candidates, bumisita sa Bataan

Previous article

Samal bags 2013 Outstanding Local Civil Registry Office

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News