Mga mag-aaral, hinamon

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nanawagan kahapon, Huwebes si Governor Albert Garcia sa lahat ng mga mag-aaral sa lahat ng paaralan sa lalawigan ng Bataan.na pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral.

Ito ang mariing hamon ni Governor Garcia sa ating mga mag-aaral makaraang magkasundo ang mga opisyal ng GenPact at ng lalawigan ng Bataan na susuportahan nito ang lahat ng programang pangkaunlaran ng ating pamahalaang panlalawigan.

Nangako si Danilo Sebastian Reyes, Country Manager ng GenPact na patuloy silang mangangalap na mga kwalipikado at matatalinong tabahador sa lalawigan. Sinabi pa ni Reyes na mangangailangan sila ng libu-libong manggagawa na pawang mga taga Bataan na kanilang idedestino sa iba’t ibang panig ng bansa na kung saan mayroon silang kumpanya.

Kaugnay nito hinimok ni Governor Garcia ang DepEd na makipagtulungan sa magandang programang ito ng pamahalaan, kung kinakailangan umanong bantayan ng mga guro ang lahat ng mga batang mag-aaral mula kinder hanggang sa makapagtapos.

“Of course bilang taga Bataan, gusto natin unang makikinabang sa tinatamasa nating job opportunity na ito ay iyung mga taga Bataan. Matagal ko na itong sinasabi sa mga local business natin with the jobs needed, with the business opportunity na tumaya at sumama sila dito”. Ayon pa kay Governor Garcia.