banner

Mga magsasaka at mangingisdang sinalanta ng bagyo, tinutulungang makabangon

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ayon sa talaan ng City Agriculture Office, umabot sa 89 na magasasaka at 120 ektaryang sakahan, gulayan at dam na tinatayang aabot sa mahigit sa Php60 Milyon ang pinsalang iniwan ng nagdaang bagyong si Josie na sinabayan pa ng habagat sa Lungsod na ito.

Ayon kay G. Ronie Lopez, City Supervisor Farm Technician,halos walang aanihin ang mga magsasakang apektado ng nasabing bagyo dahil sa pagkawasak ng dam kung kaya umapaw hanggang sa lumubog ang mga bagong pananim at aanihin na sana.
Sinabi naman ni Bb. Nerrisa Mateo, City Agriculturist na aabot sa P5 milyon ang halaga ng nawasak na dam sa Cupang Proper, Dangcol at Cataning; P2,108,480 palay at gulay, P55,628,400 sa fisheries at P170,000 sa mais.
Matatandaang namahagi ang Department of Agriculture ng mga buto ng gulay, mais, mga sako sakong binhi at pataba sa mga magsasakang naapektuhan.
Nauna pa rito ipinatawag sa City Agriculture Office ang lahat ng leaders, chairman at presidente ng mga samahan ng magsasaka at mangingisda sa Lungsod upang ivalidate kung sino sa kanilang mga miyembro ang naapektuhan ng bagyo.
Ipinahayag din ni Mateo na lahat ng mga nasiraan ng mga pananim at pangisdaan ay pwedeng mag loan ng halagang P25,000 sa ilalaim ng Sure Loan Program mula sa Department of Agriculture.

Larawan mula sa COB Agriculture page.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares