banner

Mga magsasaka, nagsanay sa paggawa ng pataba at insecticide

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD NG BALANGA, BATAAN – Labing pitong magsasaka na mga kasapi ng Farmer-Innovators of Bataan Association (FIBA) ang nakinabang sa sa isang libreng Training on Organic Concoctions and Extracts nitong ika-3 ng Hulyo na ginanap sa St. Joseph Subd. Brgy. Bayan, Orani.
Ayon kay Dr. Rina Q. Paguia, Project Leader, Rice Mushroom Project ng BPSU Abucay Campus, mas makabubuti umano ngayong panahon na pag-aralan ng mga magsasaka ang paggawa ng pataba na kanilang gagamitin sa kanilang palayan at gulayan.
“Sa maliit na halaga lamang ituturo namin ang isang pamamaraan sa paggawa ng pataba, pamatay insekto, at pwede rin pagkain ng hayop gamit ang mga halaman at dahon ng puno na nasa paligid ninyo lamang na tatawagin nating Effective Microorganisms (EM) na ang mga material lamang ay ang mga sumusunod; malinis na tubig, emas, molasses o pulot, suka, distilled spirits tulad ng Emperador, Neem/Jatropa/dahan ng kakawate, sili, bawang, at Marigold o Amarilyo” ani Dr. Paguia.
Pinasalamatan naman nina G. Jhun Gigante, President ng FIBA at Quintin Mendoza, Vice-President ng Farmers Cooperator ang isinagawang libreng training ng BPSU-Abucay Campus at ng DA-RFO3 sa naturang lugar.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares