banner

Mga Nagwagi sa 1Bataan Photo Con 2023

Written by
Mga Nagwagi sa 1Bataan Photo Con 2023
  • Zeny S.
  • 7 months ago

Pinangunahan ni Gov. Joet Garcia ang Awarding Ceremony ng 1Bataan Photo Con 2023 sa SM City Bataan nitong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Iginawad ni Gov.Joet ang Grand Prize kay Kimberly Palivino, isang estudyante na taga Mariveles, ang isang Samsung Galaxy flip sa non-professional category sa kanyang entry na “Life Hues”. Si Anthony Mungcal, 25 taong gulang na taga- Limay naman ang nagwagi ng iPhone 14 sa professional category para sa kanyang entry na, ” The Majestic Sunrise in Mariveles Five Fingers”.

Ang ikalawang pwesto sa non- Professional category nakamit ni Francois Archie dela Torre sa larawang, “Sentro ng Pananampalataya” at 3rd place naman si Cris Jay Laylo sa kanyang entry na “Utopic Place of Southwest”. Samantalang si Jim Carl Guevarra para sa larawang “Hidden Falls” ang nagwagi ng 2nd place sa Professional Category at George de Guzman sa 3rd place sa entry na, “Disconnect”.

 

Binati ni Gov. Joet Garcia ang lahat ng nanalo gayundin ang lahat ng mga lumahok sa nasabing 1Bataan Photo Con 2023, na ayon pa sa kanya, nakatutuwa umanong pagmasdan ang mga larawan ng mga magaganda at makasaysayang tanawin sa ating lalawigan na dapat pang tuklasin at paunlarin na pwedeng ipagmalaki sa buong mundo. Nagpasalamat din siya sa mga naging judges at mga sponsors sa tagumpay ng nasabing proyekto. Ang nasabing photocontest ay naidaos sa pagtutulungan ng Provincial Information Office at Provincial Tourism Office.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares