Mga opisyal ng barangay, namangha sa The Bunker

Kabilang sa mga namangha sa kayarian ng loob at labas ng bagong kapitolyo ng lalawigan, na kung tawagin ay The Bunker ay ang mga opisyal ng barangay na dumalo sa inagurasyon noong ika-12 ng Setyembre na mismong si Presidente Rodrigo Duterte ang nanguna.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang The Bunker ay simbolo ng patuloy na progreso ng probinsya kung kaya’t lalo pa nila umanong susuportahan ang lahat ng mga proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan sa pangunguna ni Bataan Governor Albert S.Garcia.