banner

Mga prayoridad sa itatayong ecozone

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Sa proclamation rally nina dating board member at ngayo’y tumatakbong Vice Mayor Dexter Dominguez aka Teri Onor at dating Mayor Ana Santiago kahapon sa bayan ng Abucay, sinabi ni dating bokal Dominguez na naayos na ang lupa na pagtatayuan ng ecozone sa kanilang bayan kung saan prayoridad umano ang mga PWD’s, LGBQ+, senior citizens at out-of-school youth.

Ipinaliwanag din ni dating bokal teri onor na layunin nila na maging produktibo ang mga sektor na ito kung kaya’t titiyakin nila na hindi hadlang ang kapansanan at gender preference para kumita sila at magkaroon ng hanapbuhay.

Sa nasabi ring proklamasyon ipinahayag na nakahandang mag-donate ng apat (4) na dialysis machines ang mag asawang, Mayor Liberato at Ana Santiago para sa plano nilang pagtatayo ng dialysis center at si bokal Teri Onor naman ang sasagot sa mga laboratory tests tulad ng blood chem, urinalysis at iba pa sa tulong na rin ng RHU.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares