banner

Mga produktong export quality sa FAB

Written by
  • Greg R.
  • 3 years ago

NAGSAWA na ba kayo sa pamamasyal at pamimili sa mga mall? Bakit hindi subukang pumunta sa Freeport Area of Bataan (FAB) Fair na kung saan makakabili ng mga produktong gawa sa FAB factories at ibenebenta sa ibang bansa.

Ang FAB Fair na isinasagawa sa loob ng dalawang buwan tuwing panahon ng Kapaskuhan ay nagpapakita at nagbebenta ng mga gamit pang-bahay, mga damit, kurtina, mga bag, sapatos at mga pagkain.

Sinabi ni AFAB (Authority of Freeport Area of Bataan) Chairman-Administrator Emmanuel D. Pineda na ang FAB Fair ay 15 taon nang nagbebenta sa murang halaga ng iba’t-ibang export products tuwing sasapit ang Nobyembre hanggang Disyembre 23 upang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng Filipino na makapamili ng produktong pang-export.

Ayon pa kay Pineda “This year, the AFABEA has geared for a festivity of history, pride and honor to celebrate AFAB’s decade of excellence in line with its 2019 theme: “FAB at 10- Atin Ito.”
Sa kasalukuyan, mayroon 27 food stall at 87 products stalls mula sa iba’t-ibang kumpanya sa FAB ang sumali sa FAB Fair. Kasama rin na ipinapakita at ipinagbibili ang mga produktong “Galing Bataan.”

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Comments are closed.

Shares