banner

MMK 2018 at 2 pang karangalan, natamo ng Balanga

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, BATAAN – Isa ang Lungsod ng Balanga sa limang (5) finalists para sa 2018 Regional search for Malinis,Masagang Karagatan (MMK) na iginawad kamakailan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay City Environment and Natural Resources Officer at City Agriculturist Nerissa Mateo na nasungkit ng Balanga ang parangal sapagka’t naipapagpatuloy ng Bantay Dagat at ng Pulisya ang pagbabantay at pagmomonitor sa nasasakupang karagatan ng Lungsod.
Idinagdag pa ni Mateo na mahigpit na ipinatutupad sa Lungsod ang Republic Act 8550 o Illegal Fishing Law.
Ang validators para sa naturang parangal ay mula sa Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resoiurces, BFAR, Phil. Coast Guard, Balanga City Administrator Rudy de Mesa, Sangguniang Panglunsod Members Hon. Joy Panganiban at Hon. Vic Baluyot.
Kaugnay nito masaya ring ibinalita ni City Agriculturist Nerissa Mateo na nagwagi din ang Lungsod sa dalawa pang kategorya sa Regional Gawad Saka na may temang Parangal sa mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda.
Napagwagian ng Lungsod ng Balanga ang Outstanding City Agricultural and Fishery Council (CAFC), at Outstanding Agri-Enterpreneur Amanda’s Marine Products.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · Environment · News

Comments are closed.

Shares