Morong, pinarangalan sa BLGF Region Ill

Ginawaran ng Bureau of Local Govt Finance (BLGF) Region lll ang bayan ng Morong ng Plaque of Achievement sa pagiging TOP 5 sa Year-On- Year Growth Rate Locally Sourced Revenues sa lahat ng munisipalidad sa Gitnang Luzon para sa Fiscal Year 2023-2024.

 

Iginawad ang parangal nitong ikalawang araw ng Disyembre sa Clark, Pampanga bilang pagkilala sa kahusayan ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Morong sa pamamahala sa kanilang pananalapi sa pangunguna ng kanilang Municipal Treasury Office.

 

Pinasalamatan at pinuri ni Mayor Leila Muñoz ang kanilang Treasury Department sa kanilang dedikasyon sa pagsisikap na maayos na makalikom ng buwis para sa kaban ng bayan, na pagpapatunay nang sama-samang serbisyo tungo sa pag-unlad ng bayan.

 

Dagdag pa ni Mayor Leila Muñoz na ang pagkilalang ipinagkaloob ng BLGF lll ay magsisilbing inspirasyon para sa kanilang lahat na patuloy pa nilang paghusayan ang kanilang sistema, suportahan ang mga programa at serbisyong direktang nakikinabang ang mga mamamayan ng Morong.

Leave a comment