banner

Municipal links inilunsad

Written by
Municipal links inilunsad
  • Zeny S.
  • 11 months ago

Upang mapalawak pa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ay inilunsad sa Municipal Advisory Council meeting sa pangunguna ni Mayor AJ Concepcion ng Mariveles, ang pagkakaroon ng mga Municipal Links na ipatutupad ng Municipal Social Welfare and Development Office ng nasabing bayan.

Ang mga municipal links ayon kay Mayor Concepcion ay mga dagdag na indibidwal na tutulong sa pagpapatupad ng 4P’s sa kanilang bayan; ang mga ito ang tutulong sa mga benepisaryo ng programa mula sa pagpi-fill-up ng mga kaukulang mga dokumento, pagkuha ng impormasyon at pagpapaliwanag sa mga dapat gawin ng mga benepisaryo para matiyak ang maayos na implementasyon ng nasabing programa.

Sa ganitong paraan ayon pa kay Mayor AJ Concepcion, ay magiging mabilis ang pagdaloy ng ayuda gayundin magabayan din sila sa iba pa nilang mga pangangailangan upang unti unti ay mabago ang takbo ng kanilang buhay tungo sa pag angat ng kabuhayan.

Ang mga pamilyang nabibilang sa 4P’s ay ang mga nasa laylayan ng lipunan na tinutulungan ng ating pamahalaan para makaahon sa kahirapan.

Article Categories:
Social Welfare

Leave a Reply

Shares